Miyerkules, Marso 27, 2013

May mga Kwento sa Ulap

NOONG ELEMENTARY AKO, madalas akong sumali sa mga poetry competition. Alam mo yung poetry na sobrang sukat ang bilang ng syllables at kailangan super rhyme? Ganon. Mapa-buwan ng wika, buwan ng nutrisyon, united nations, at whatever, join ako diyan. Madalas naman may medal ako.

Si Mommy ang unang nagturo sa akin kung paano sumulat. Kaya isa sa pinakapaborito kong tula na isinulat noong Grade 6 na na-publish sa school organ namin ay ang “Figures in the Sky”. Tungkol ito sa amin ni Mommy.

Cartoon by Jonathan Burrello and J. C. Stephens
  
When I was still very small,
Mom will say to me and call
Come little sweetie on my side
Let’s play figures in the sky.

That’s a game I won’t forget,
Seeing clouds all over my head,
And when I see a fluffy cloud   
To it my eyes, focused and set.

What do you see? She’ll then ask me
A cloud, a dragon, what should it be?
With open eyes, I will reply
To me dear mom, it’s a butterfly.

What a good laugh we’ll have then
Seeing butterflies… till when?
And then a blow, here comes the wind
Our butterfly, nowhere to find.

Pieces of clouds scattered now
We try to figure again them out
A friendly cloud will surely show
Our figures in the sky that glow.



Madalas, kapag nalulungkot ako, o kapag tamang traffic lang at late na ako, nase-stress, or on the way kami pa-out of town, madalas ko pa ring tinitignan ang mga ulap. Bumubuo ako ng kwento! Hinahanapan ko ng shapes! Kuneho, nanay at bata, ibon, pusong abnormal, kandila, bibig, leon, kung anu-ano pa. At nakakagulat, tuwing ginagawa ko yon, may kung anong magaang na pakiramdam ang lumalambong sa puso ko. Pakiramdam na balang araw, maaabot ko ang mga ulap (literally at figuratively), at magiging masaya ako.




Sayang at hindi na masyadong nakapagsusulat ngayon si Mommy. Nagka-diprensya kasi ang mga kamay niya at siguro ay ayaw niya naman magsulat gamit ang keyboard kaya ganun. Pero sino bang niloko ko? Alam ko kung anong totoong dahilan. Wala na siyang panahong magsulat ngayon ng tula, at ng magaganda niyang kwento, dahil inagaw na ng pagsusulat niya ng schedules ng seminars niya sa kalendaryo, ng mga computations ng budget namin sa bahay, ng paglilista ng mga prospects at orders ng food supplement na bumubuhay sa amin ngayon. Inagaw na nila. Pero ang isang ina ay sanay maagawan ng panahon sa sarili niya maibigay niya lamang sa mga taong mahal niya. Salamat, mommy. Umaasa pa rin akong hindi mo makakalimutan ang sining na itong pareho nating gusto, at habang nagsusulat ka pa rin sa diary-turned-scrapbook mo at nagi-istapler ng mga memorable na resibo, aasa pa rin akong patuloy kang magsusulat ng masasayang alaala.




Dahil sa ngayon, matapos ang napakarami ko ng naisulat para sa kung saan-saan, tula, essay, articles sa website, thesis, raket na book review, isang linya sa Inquirer front page, isang quote sa Panorama, at isang Youngblood article, Salamat, Mommy… tinuruan mo ako kung paano magsulat… inudyukan mo akong magkuwento hindi lang ng tungkol sa mga ulap… kundi pati sa lahat ng mga bagay na nasa ilalim nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento